
We’re doing Foodie Questionnaires at WifeSpeaks today!
1. Kung ang mother in law mo ay isang dish or ulam, ano siya? Pwede mo rin sabihin kung bakit, pero kung ayaw mo, okay lang.
I don’t have an answer for this because I never met my MIL. She passed away years before J and I met.
2. Ano ang madalas ihandang pagkain kapag may party sa bahay ng in laws mo?
Baked Macaroni saka Buco Pandan.
3. Ano ang pinakamasarap na pagkain na nailuto ng in laws mo?
Sizzling Puso ng Saging. Grabe taob plato ko.
4. Anong pagkain ang nailuto mo na para sa in laws mo?
Wala pa, hehe. I’ve never stayed in Manila long enough to cook for them eh. Most of the time we always go out to eat.
5. Meron bang dish na itinuro sa iyo ang in laws mo, either traditional family meal or paborito ng iyong asawa?
Wala naman akong naaalala.
6. Mahalaga ba sa in laws mo na matuto kang magluto bago kayo nagpakasal ni Hubby?
Hindi naman. Alam naman yata nila na hindi ko pababayaang magutom si hubby so parang di masyado big deal yan, hehe.
7. Anong eating habits ng in laws mo ang na-acquire mo na rin through the years?
Actually, hindi ko nga ma-acquire eh. Coming from Bulacan, they love eating pandesal or rice with gatas ng kalabaw (carabao’s milk) and for the life of me, I couldn’t get the hang of eating that way.
8. Meron ka bang unforgettable kitchen moments with your in laws?
Wala naman.
9. Binibigyan ka ba ng cooking tips ng in laws mo? Ano-ano ito?
Wala pa.
10. Ano ang paboritong pagkain ng father in law mo?
Sabi ni hubby, basta libre daw favorite ni Tatay!
11. Mahilig ba sa desserts ang in laws mo? If yes, anong hilig nila?
I think yung Buco Pandan Salad saka Pichi Pichi.
12. Pagdating naman sa inuman after meals, “Go” ba sila or “No”?
Ayos lang, walang kaso.
13. Saan madalas mag-dine out for family dinners ang in laws mo?
My in laws are a big family so as long as the place is group-friendly dun kami.
14. Mahilig ba sila sa exotic food? If yes, ano-ano ito?
Medyo adventurous din yata sila sa ganyan.
15. Lastly, masasabi mo bang bonding moments are “food moments” mo with your in laws?
I believe so. Like I said, my husband came from a large, close-knit family, and one of the things I look forward to when we’re in the Philippines is bonding moment over food with my in-laws.
Sali na dito!